Employer na hindi nagbibigay ng tamang pasahod, papatawan ng mabigat na parusa
MANILA, Philippines - Isinusulong sa Kamara ang mas mabigat na parusa para sa mga employers na hindi tutupad sa pagbibigay ng tamang pasahod sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay House Committtee on Labor and Employment Chairman at Northern Samar Rep. Emil Ong, layunin ng House Bill 6924 na matigil na ang mga employers partikular sa pribadong sektor sa hindi pagbibigay ng tamang sahod sa kanilang mga empleyado depende sa adjustment ng wage rate sa bansa.
Naniniwala naman dito si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na responsibilidad ng estado na protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa na idinedeklara sa ilalim ng Declaration of Principles and State Policies of the 1987 Constitution.
Para naman kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone , isa rin sa pangunahing may akda ng panukala, na noong 2005 ay napag-alaman ng DOLE na sa 19,539 private firms ay 15,879 o 81% lamang ang mga kumpanya na sumusunod sa tamang pagpapasahod sa mga empleyado.
- Latest