MANILA, Philippines - Ang pag-aaral sa kondisyon ng agricultural soil ay makatutulong sa bansa sa pagtukoy ng kakayahan natin na makapag-produce ng pagkain para sa buong bansa.
Tinutukoy dito ni UniÂted Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile ang pag-adopt ng Pilipinas sa Bhoochetana (reviving the soil) program ng India sa pamamagitan ng Department of Agriculture-National Rice Program.
Sa ilalim ng programa, pag-aaralan ang nutrient status ng agricultural soils sa bansa, gamit ang rain-fed agriculture program ng India, at pagsasagawa ng soil rejuvenation upang madagdagan ang productivity nito.
Paliwanag ni Enrile ang pagtaas ng temperature at matinding pag-ulan sa bansa ay nakapagko-contribute sa soil degradation.