Video sa anti drug drive ipinanukala
MANILA, Philippines - Ipinapanukala ng isang kongresista ang paggamit ng camera at video para mairekord ang mga operasyon ng mga awtoridad laban sa bawal na gamot.
Sinabi ni Manila Congresswoman Trisha Bonoan-David na kailaÂngang magdala ng video at camera ang mga awtoridad para maiwasang pumalpak ang mga kaso laban sa mga nahuhuÂling drug pusher at user.
Inihalimbawa ng kongresista ang kaso ng “Alabang Boys†kung saan nabasura ang kaso laban sa umano’y drug dealers na nahuli sa isang buy-bust operation dahil sa ilang kapalpakan.
Bukod dito, ilang mga naarestong drug dealers at drug-pushers ang napawalang-sala dahil sa kabiguan umano ng umarestong pulis o opisyal sa maayos na pangongolekta at pagÂhawak ng ebidensiya.
Upang maiwasan ang ganitong kapalpakan, dapat gawing mandatoryo ang pagdadala ng arresting officers, partikular na ng PDEA, ng camera at video camcorder upang mai-record at maisadokumento ang aktuwal na search and seizure process upang magsilbing suporta sa isinusumiteng ebidensiya sa korte.
- Latest