^

Bansa

PLDT picket payapang nagwakas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng management ng Philippine Long Distance Telephone Co. na walang naganap na karahasan sa picket line ng mga nagpo-protestang dating kawani ng Digitel sa harapan ng opisina ng PLDT sa Makati.

Ayon kay PLDT spokesman Mon Isberto, maayos na nilisan ng may 30 dating empleyado ng Digitel ang kanilang piket sa Makati City main office ng PLDT noong Abril 21, taliwas sa naglabasang balita na umano’y may gulo sa nagawang paglipat.

Ani Isberto, naka-video ang matiwasay na pag-uusap ng mga security guards ng PLDT at mga nagpoprotesta, pati ang kusang-loob na paglisan ng huli sa loob ng property ng PLDT.

Sinabi rin ni Isberto na hiniling lang ng PLDT sa mga nagpuprotesta na huwag sa mismong property ng PLDT nila isagawa ang piket dahil  naapektuhan na ang mga empleyado at mga kustomer ng PLDT.

Sa kasalukuyan ay sa pampublikong lugar na sila nagpipiket sa bangketa sa tapat ng PLDT main office.

“Nirerespeto ng PLDT ang malayang paglalabas ng saloobin ng mga nagpoprotesta kung kaya matagal rin nitong hinayaan ang mga nagpipiket na manatili sa loob ng bakuran ng kumpanya,” ani Isberto.

Ang may 140,000 landline subscribers ng Digitel ay ini-absorb ng PLDT nang ang operasyon ng una ay hindi na maka-adopt sa technological advances dahil sa mga antiquated equipment.

ABRIL

ANI ISBERTO

AYON

DIGITEL

ISBERTO

MAKATI CITY

MON ISBERTO

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE CO

PLDT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with