MANILA, Philippines - Nagkalat na umano ang mga pekeng pera na posibleng magamit sa ‘vote buying’ ng mga tiwaling kandidato kaugnay ng nalalapit na eleksiyon sa Mayo.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. GeneÂroso Cerbo Jr., nakatanggap sila ng ulat na ilang kandidato lalo na sa malalayong lalawigan ang namimili na ng boto upang makatiyak ng panalo. Sinasabing peke umano ang bulto ng perang ipinamumudmod sa mga botanteng maagang nagbebenta ng boto.
Sinabi ni Cerbo na sinumang nagpapakalat ng pekeng pera may kaugnayan man ito sa eleksyon o wala ay kaÂnilang aarestuhin at sasampahan ng kaso.
Una rito, inamin ni CoÂmelec Chairman Sixto Brillantes na isa ang vote buying sa inaasaÂhang sakit ng ulo ng koÂmisyon sa pagdaraos ng eleksyon kaya masusi nila itong patututukan sa PNP.
Sa rekord ng PNP, karaniwan ng naglilitawan ang mga pekeng pera kapag nalalapit na ang halalan kaya dapat anyang maging vigilante at makipagtulungan ang publiko sa mga awtoridad.
Inihayag din ni Cerbo na simula ng ipatupad ang 150 araw na gunban noong Enero 13 hanggang kahapon ay umaabot na sa 2,704 ang nasasakote na luÂmaÂbag dito habang nasa 2,614 ang mga armas na nasamsam.
Nangunguna sa mga naaresto ang mga sibilÂyan na naitala sa 2,550; 126 security guards, 34 government employees, 36 sa PNP, 16 sa AFP, isang bumbero, tatlong jailguard, tatlong CAFGU at isa rin mula sa iba pang law enforcement agencies.
Nakakuha rin ng 857 patalim, 159 granada, 488 eksplosibo at nasa 139 gun replicas sa serye ng checkpoint at on-the spot gun inspection sa buong bansa.