MANILA, Philippines - Dapat munang pigain ang Commission on Elections (Comelec) upang makuha ang source code sa PCOS machines na gagamitin sa elekyon dahil dito umano makikita ang detalyadong bilang ng mga boto ng mga kandidato.
Paliwanag ni UNA senatorial candidate at Zambales Rep. Mitos Magsaysay, nakakabahala ang tila pagtanggap ng Comelec na hindi na makukuha ang source code mula sa Smartmatic na patunay din umano na walang kahandaan sa eleksyon.
Magiging ala-tsamba rin umano ang magiging resulta sa May 13 election dahil hindi naman makikita kung paano ang bilang na ginawa ng PCOS machines sa mga balota,
Sa kabila nito pinawi naman nina Agham PartyÂlist Rep. Angelo Palmones at Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, ang paÂngamba ng marami sa pagkawala ng source code ng gagamiting mga PCOS machines.
Paliwanag ni Palmones na mas maliit ang tsansang magkaroon ng dayaan gamit ang PCOS machines kumpara sa manual counting na mahabang proseso at napakabagal na resulta.
Tiwala naman si Batocabe na hindi magpapabaya si Comelec Chairman Sixto Brillantes at siÂguradong sisikapin nitong magkaroon ng malinis na halalan.