MANILA, Philippines - Dalawa pang probinsiya ang nadagdag sa talaan ng mga itinuturing na “hot spot†ng Comelec kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo.
Tinukoy ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang Misamis Oriental at Sulu bilang “high risk provincesâ€.
Ang Misamis Oriental ay napabilang sa ‘high risk provinces’ bunga ng pananambang ng NPA rebels noong Abril 20 kay Gingoog City Mayor Ruthie Guingona na ikinasawi ng driver nito at bodyguard habang sugatan naman ang opisyal at isa sa anim nitong police security escort. Si Guingona ay misis ni dating Vice President Teofisto Guingona Sr . at ina ni Senador Teofisto “TG†Guingona Jr.
Samantala ang Sulu ay dahilan sa mainit na labanan sa pagitan ng kandidatong gobernador na kalaban naman ng anak ni Sulu Gov. Abdusakur Tan na nagkakagirian na sa lugar at humantong pa sa demandahan.
Nauna ng idineklarang high risk areas sa halalan ang 15 lalawigan na kinabibilangan ng Abra, Pangasinan, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Masbate, Samar, Misamis Occidental, Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan.