^

Bansa

2 pang probinsiya nasa ‘hot spot’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pang probinsiya ang nadagdag sa talaan ng mga itinuturing na “hot spot” ng Comelec kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo.

Tinukoy ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang Misamis Oriental at Sulu bilang “high risk provinces”.

Ang Misamis Oriental ay napabilang sa ‘high risk provinces’ bunga ng pananambang ng NPA rebels noong Abril 20 kay Gingoog City  Mayor Ruthie Guingona na ikinasawi ng driver nito at bodyguard habang sugatan naman ang opisyal at isa sa anim nitong police security escort. Si Guingona ay misis ni dating Vice President Teofisto Guingona Sr . at ina ni Senador Teofisto “TG”  Guingona Jr.

Samantala ang Sulu ay dahilan sa mainit na labanan sa pagitan ng kandidatong gobernador na kalaban naman ng anak ni Sulu Gov. Abdusakur Tan na nagkakagirian na sa lugar at humantong pa sa demandahan.

Nauna ng idineklarang high risk areas sa halalan ang 15 lalawigan na kinabibilangan ng Abra, Pangasinan, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Masbate, Samar, Misamis Occidental, Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan.

ABDUSAKUR TAN

ANG MISAMIS ORIENTAL

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

GINGOOG CITY

GUINGONA JR.

ILOCOS SUR

LA UNION

MAYOR RUTHIE GUINGONA

MISAMIS OCCIDENTAL

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with