^

Bansa

‘Tandem’ ikinabahala ni Enrile

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tututukan ni UNA senatorial candidate at dating Cagayan Rep. Jack Ponce Enrile ang problema sa mga riding-in-tandem (mga armadong magkaangkas sa motorsiklo)  na pumapatay sa mga inosenteng biktima sa bansa kapag pinalad siyang mahalal sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Plano ni Enrile na magpanukala ng batas laban sa mga riding in tandem para sa proteksyon at kapakanan ng ordinaryong mamamayan.

Kaugnay nito, ipaparepaso niya ang batas laban sa iligal na pagbibitbit ng baril sa bansa. Pinuna niya ang isang kahinaan dito na pinapayagang magpiyansa ang mga nahuhuling nagbibitbit ng iligal na baril.

Ginawa ni Enrile ang pahayag dahil sa halos araw-araw na mga patayang gawa ng mga riding in tandem tulad ng sa pagpatay sa isang brodkaster sa Zamboanga Sibugay, isang kandidatong konsehal sa Pasay City, isang tomboy sa Rizal at isang ginang sa Maynila kamakailan. Naniniwala si Enrile na may problema sa intelligence ang mga awtoridad dahil hindi nila mahuli ang mga suspek o mapigilan ang ganitong uri ng krimen.

 

CAGAYAN REP

ENRILE

GINAWA

JACK PONCE ENRILE

KAUGNAY

KONGRESO

MAYNILA

PASAY CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with