Taguig kinuwestiyon sa P144-M pondo
MANILA, Philippines - Hinihingan ng paliwanag ng Commission on Audit si Taguig Mayor Lani Cayetano hinggil sa paggamit nito sa P144 milyong community development fund ng lunsod dahil hindi umano angkop sa pinaglaanan nito ang paggastos ng alkalde sa pondo.
Sinasabi sa report ng COA na hindi umano naiÂpatupad ni Cayetano ang P76 milyong bahagi ng nabanggit na pondo na dapat ay nakalaan sa daÂlawang proyekto na nasa sektor ng socio-economic developments at environment management.
Tinutukoy sa report ang ‘carpet titling’ at ‘settlement of boundary jurisdiction’ na may pondong P2 million; ‘peace and order program na may P3.5 milyon pondo [para sa mobile patrol at anti-illegal drugs campaign], hiwalay na peace and order program na nagkakahalaga ng P9.16 milyon [para sa fire at police stations].
Ayon sa COA, kabilang sa naturang proyekto ang P13 milyon pondo para sa pagbili ng mga sasakyan at ‘landbanking proposal’ na may P50 milyon alokasyon. Pero para umano ito dapat sa landbanking at peace and order program at hindi sumasaklaw sa mga kateÂgoryang isinasaad sa mga panuntunan.
- Latest