MANILA, Philippines - Nagluluksa ngayon ang liderato ng Kamara dahil sa pagpanaw ng kanilang kasamahan na si Camiguin Rep. Pedro Romualdo. Subalit hindi tulad ng nakaÂgawian na necrological service sa mga pumapanaw na kongresista ay hindi muna mag-aalay ng necro ngayon ang Kamara kay Romualdo.
Paliwanag ni House Public Relations and Information Bureau Executive Director Rica dela Cuesta, magagahol na kasi sa oras dahil iuuwi bukas sa Camiguin ang mga labi ni Romualdo kaya hindi makakayang magsagawa ng necro sa Kongreso. Si Romulado ay isang re-electionist ngayon sanang midterm election at isa sa itinuturing na longest serving lawmaker mula 1987-1998 at mula 2007 hanggang sa kasalukuyan.
Pumanaw si Romualdo sa edad na 77, dahil sa sakit na pneumonia.