MANILA, Philippines - Nasa depensa na si dating congressman Matias Defensor ng United Nationalist Alliance sa bahaging ito ng kampanya dahil sa malaking lamang sa kanya ng katunggali niya sa eleksyon para sa pagka-kongresista ng ikatlong distrito ng Quezon City na si incumbent Rep. Jorge Banal ng Liberal Party-Team Pinoy.
Ito ang ipinahiwatig ni Kaya Natin spokesperson Jess Lorenzo kaugnay ng lumabas sa bagong survey na nalalamangan ng Team PNoy ang UNA sa maraÂming aspeto ng kampanya at dito natuklasan ang maÂlaking kalamangan ni Banal kay Defensor.
Ito rin ang dahilan kaya hindi naglulubay si Defensor na maagaw kahit paano ang milya-milyang lamang sa kanya ni Banal sa lahat ng 37 barangay tulad ng mga akusasyon sa vote buying at pagsasampa ng reklamo sa Commission on Elections.
Una rito, nilinaw ni Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng UNA, na hindi namimili si Banal ng boto, gaya nang unang ipinahayag ng oposisyon.
Ito ay mga gift vouchers para sa libreng school supplies sa ilalim ng estudyante program ni Banal na kinilala ni Tiangco na lehitimong programa, at naipamigay bago pa ang election ban.