MANILA, Philippines - Hinamon ng Malacañang ang New People’s Army (NPA) na ituloy ang kanilang paglulunsad ng karahasan tulad ng ginawang pananambang kay Gingoog City Mayor Ruthie Guingona kamakailan upang maramdaman nito ang magiging sagot ng pamahalaan.
“Go ahead, make our day. Try us,†wika ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda bilang tugon sa pahayag ng NPA na patuloy pa rin ang kanilang gagawing operasyon lalo sa mga hindi kukuha ng permit to campaign na mga kandidato.
Nanawagan din ang Palasyo sa mga kandidato na huwag silang bibigay sa mga demands ng NPA na magbayad ng campaign fee upang makapangampanya sila sa sinasabing NPA-controlled areas.
Personal na dinalaw ni Pangulong Aquino si Mayor Guingona sa Capitol University Medical Center sa Cagayan de Oro City kamakalawa matapos itong mangampanya para sa Team PNoy at local Liberal Party candidates sa Marawi City at Balingasag sa Misamis Oriental at Cagayan de Oro City.
Hindi naman tinanggap ni dating Vice-PreÂsident Teofisto Guingona II ang apology ni National Democratic Front-MinÂdanao spokesman Jorge Madlos alyas Ka Oris na humingi ng patawad dahil sa pangyayari sa 78-anÂyos na outgoing mayor ng Gingoog City.
Nasawi ang dalawang civilian staff ni Guingona habang nasugatan naman ang 2 police escorts nito nang paulanan ng bala ng NPA ang sasakÂyan ng alkalde matapos hindi umano huminto sa ‘checkpoint’ ng mga rebelde noong Sabado ng gabi.