^

Bansa

Hamon ng Palasyo sa NPA: ‘Go ahead, make our day’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ng Malacañang ang New People’s Army (NPA) na ituloy ang kanilang paglulunsad ng karahasan tulad ng ginawang pananambang kay Gingoog City Mayor Ruthie Guingona kamakailan upang maramdaman nito ang magiging sagot ng pamahalaan.

“Go ahead, make our day. Try us,” wika ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda bilang tugon sa pahayag ng NPA na patuloy pa rin ang kanilang gagawing operasyon lalo sa mga hindi kukuha ng permit to campaign na mga kandidato.

Nanawagan din ang Palasyo sa mga kandidato na huwag silang bibigay sa mga demands ng NPA na magbayad ng campaign fee upang makapangampanya sila sa sinasabing NPA-controlled areas.

Personal na dinalaw ni Pangulong Aquino si Mayor Guingona sa Capitol University Medical Center sa Cagayan de Oro City kamakalawa matapos itong mangampanya para sa Team PNoy at local Liberal Party candidates sa Marawi City at Balingasag sa Misamis Oriental at Cagayan de Oro City.

Hindi naman tinanggap ni dating Vice-Pre­sident Teofisto Guingona II ang apology ni National Democratic Front-Min­danao spokesman Jorge Madlos alyas Ka Oris na humingi ng patawad dahil sa pangyayari sa 78-an­yos na outgoing mayor ng Gingoog City.

Nasawi ang dalawang civilian staff ni Guingona habang nasugatan naman ang 2 police escorts nito nang paulanan ng bala ng NPA ang sasak­yan ng alkalde matapos hindi umano huminto sa ‘checkpoint’ ng mga rebelde noong Sabado ng gabi.

CAPITOL UNIVERSITY MEDICAL CENTER

GINGOOG CITY

GINGOOG CITY MAYOR RUTHIE GUINGONA

JORGE MADLOS

KA ORIS

LIBERAL PARTY

MARAWI CITY

MAYOR GUINGONA

ORO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with