MANILA, Philippines - Matapos ang sunud-sunod na pagkatalo ng mga kilalang boksingero ng bansa iginiit kahapon ni Senator Koko Pimentel na dapat ng ituloy ang pagtatayo ng Philippine Boxing Commission.
Ipinaliwanag ni Pimentel na mas matutulungan ang mga professional boxers na nagdadala ng karangalan sa bansa kung may isang komisyon na titingin sa kanilang mga pangangailangan.
Matatandaan na naÂÂging sunod-sunod ang pagkatalo ng mga magagaling na boksingero ng bansa na nasimulan noong Disyembre 2012 ng matalo si Manny Pacquiao ni Juan Miguel Marquez, sinundan ng pagkatalo ni Brian Viloria na natanggalan ng flyweights titles na sinundan pa ng pagkatalo ni Nonito Donaire.
Kamakailan ay natalo rin sa kalabang Mexican si Rey “Boom-Boom†Bautista.
Pero naniniwala si Pimentel na makakabawi ang mga boxing champs ng bansa lalo na kung makakatanggap sila ng suporta mula sa pamahalaan.
Balak ni Pimentel na muling isulong sa susunod na Kongreso ang Senate Bill No. 3254 na may titulong“An Act Creating the Philippine Boxing Commission Thereby Strengthening the Country’s Standing in Boxing Sports, Ensuring the Welfare of Filipino Boxers and Providing Funds Thereforâ€.