^

Bansa

Sa pagkatalo ng Pinoy boxers, Boxing Commission itayo!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang sunud-sunod na pagkatalo ng mga kilalang boksingero ng bansa iginiit kahapon ni Senator Koko Pimentel na dapat ng ituloy ang pagtatayo ng Philippine Boxing Commission.

Ipinaliwanag ni Pimentel na mas matutulungan ang mga professional boxers na nagdadala ng karangalan sa bansa kung may isang komisyon na titingin sa kanilang mga pangangailangan.

Matatandaan na na­­ging sunod-sunod ang pagkatalo ng mga magagaling na boksingero ng bansa na nasimulan noong Disyembre 2012 ng matalo si Manny Pacquiao ni Juan Miguel Marquez, sinundan ng pagkatalo ni Brian Viloria na natanggalan ng flyweights titles na sinundan pa ng pagkatalo ni Nonito Donaire.

Kamakailan ay natalo rin sa kalabang Mexican si Rey “Boom-Boom” Bautista.

Pero naniniwala si Pimentel na makakabawi ang mga boxing champs ng bansa lalo na kung makakatanggap sila ng suporta mula sa pamahalaan.

Balak ni Pimentel na muling isulong sa susunod na Kongreso ang Senate Bill No. 3254 na may titulong“An Act Creating the Philippine Boxing Commission Thereby Strengthening the Country’s Standing in Boxing Sports, Ensuring the Welfare of Filipino Boxers and Providing Funds Therefor”. 

 

AN ACT CREATING THE PHILIPPINE BOXING COMMISSION THEREBY STRENGTHENING THE COUNTRY

BOXING SPORTS

BRIAN VILORIA

ENSURING THE WELFARE OF FILIPINO BOXERS AND PROVIDING FUNDS THEREFOR

JUAN MIGUEL MARQUEZ

NONITO DONAIRE

PHILIPPINE BOXING COMMISSION

SENATE BILL NO

SENATOR KOKO PIMENTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with