MANILA, Philippines - Walang naging epekto kay Senator Loren Legarda ang mga black propaganda na ipinakalat laban sa kanya kung pagbabasehan ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Naniniwala si Legarda na hindi siya natinag sa unang puwesto dahil nakikita naman ng mga mamamayan ang kanyang track record at mga nagawa niyang mga batas para sa kapakanan ng maliliit na sektor ng lipunan.
Pinasalamatan ni Legarda ang mga mamamayan na patuloy na naniniwala sa kanya kaya napapanatili niya ang pagiging numero uno sa mga surveys.
Nangako rin ang senadora na ipagpapatuloy ang mga ‘advocacy programs’ na kanyang nasimulan para sa kapakinabangan ng taumbayan.
“I am thankful to the Filipino people because they appreciate my hard work and the advocacies that I push for, which are really all for the benefit of the people,†ani Legarda.
Kabilang sa mga balak ipagpatuloy na advocacy programs ni Legarda ay ang pagbibigay ng healthcare coverage at mas maayos na edukasyon para sa mahihirap, mas malawak na suporta para sa mga senior citizens at ang pagkakaroon ng tinatawag na ‘disaster-resilient’ sa lahat ng komunidad sa bansa.
Sa Universal Healthcare Bill na isa sa mga prayoridad ni Legarda, nais nitong magbigay ng libre at dekalidad na health care coverage sa 25 milyon pinakamahihirap ng mga Pilipino.
Gusto rin niyang magkaroon ng ‘expansion of scholarship programs’ para sa mga ‘indingent’ subalit mga ‘derserving’ college students.
“So that every household-beneficiary of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) will have at least one college graduate,†ani Legarda.
Sa resulta ng SWS survey sa pagitan ng Abril 13-15 ay nanguna pa rin sa unang puwesto si Legarda na may 59 porsiyento habang nanatili ang pagkapit sa pangalawang puwesto ni Sen. Alan Peter CayeÂtano na may 52 porsiyento.
Sa 5 survey ng SWS simula Disyembre 2012, hindi nabakbak sa top-1 si Legarda na mayroong 59% sa April survey at pumangalawa si Sen. Alan Peter Cayetano na mayroong 52%.
Tuluyan namang nalagÂlag sa ika-5 si Sen. Francis Chiz Escudero na ikatlo sa survey ng SWS noong Marso.