2 pulis na nakatakas sa NPA, pinarangalan
MANILA, Philippines - Binigyan ng parangal kahapon sa Camp Crame ang dalawang pulis na nakapuga sa kuta ng mga rebeldeng New People’s Army kung saan napatay nito ang dalawang rebelde sa liblib na bahagi ng Barangay Maitum sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur noong Linggo ng gabi (Abril 14).
Sina PO2 Ronald Alan Muñez at PO1 Nemuel España ay ginawaran ng parangal ni PNP Chief Director General Alan Purisima at binigyan din ng tig-isang Glock 9mm service pistol.
Ang mga ito ay dinukot ng mga rebelde matapos na rumesÂponde sa kaguluhan sa Barangay Poblacion at nagawang makatakas noong Abril 18 sa kagubatan ng Barangay Maitum.
Sinamahan nina Caraga PNP director P/Chief Supt. Getulio Napenas at Agusan del Sur PNP director P/Senior Supt. Alexander Sampaga ang dalawang pulis kasabay na iprinisinta ang dalawang AK 47 assault rifle na naagaw ng mga ito sa mga rebelde.
Naging emosyonal si Muñez at hindi napigilan ang maluha matapos ikuwento ang pinairal nitong presensya ng isip ng determinadong planuhin ang kanilang pagtakas matapos na marinig sa bantay na rebelde na may kausap sa cellphone na hindi na sila palalayain at papatayin bago sumikat ang araw.
- Latest