MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva na ang progresong pangkapayapaan ng pamahalaan ay dapat lakipan ng malawakang pagpapaunlad sa ekonomiya para magtagumpay.
“The peace process must be accompanied with true economic development from the center all the way to the margins. I will stress to our Mindanao allies our commitment to legislation that will encourage entrepreneurship and development,†aniya sa kanyang pahayag sa isinagawang 3-araw na pangangampanya sa iba’t ibang lungsod sa Mindanao.
Si Villanueva ay naunang sumuporta sa paglalagda ng Framework Agreement ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ani Bro. Eddie ang programa ng Bangon Pilipinas’ ay kinabibilangan ng pagpapasigla sa ekonomiya sa lahat ng sector ng lipunan na tinaguriang “ekonomiya ng sagigilid.â€
Pinuri ni Villanueva ang pagsisikap ng admiÂnistrasyong Aquino na matamo ang kapayapaan sa Mindanao sa pagsasabing “We commend their efforts. We are also committed to do our own part no matter how little by sustaining the momentum until we eventually attain economic development for all. This is a job for all of us, including citizens, leaders and legislators.â€