Solon kinasuhan sa paggamit ng pork barrel sa kampanya
MANILA, Philippines - Posibleng makulong si Caloocan City 1st District Congressman Oscar “Oca†Malapitan matapos na pormal na magsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman (OMB) ang mga taong ginamit nito upang makakuha ng pera galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng kongresista.
Kabilang sa mga nagtungo sa OMB upang magsampa ng reklamo ay sina Amparo Tagapan, Marilyn Joson, Valerie Regalado, Arlyn Dizon at Jessica Bordomeo, pawang mga residente ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Ayon sa reklamo, pagÂlabag sa batas na ipinatutupad ng Commission on Election (Comelec) ang ginawa ni Malapitan dahil isa umano itong paraan upang makabili ng boto.
Sa kanilang sinumÂpaang salaysay, ginamit umano sila ni Malapitan upang makapaglabas ng pondo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan nakalagak ang ilang bahagi ng pork barrel ng kongresista.
Nagtungo sa kanilang mga bahay ang staff ni Malapitan at nag-alok ng tulong galing sa DSWD kung saan ay sinabi ng mga tauhan ng kongresista na makatatanggap sila ng P3,000 tseke na maipapalit ng mga ito sa naturang tanggapan na matatagpuan sa Batasan, Quezon City.
“Pag-uwi po namin mula sa Batasan, nakita po namin na naghihintay sa bahay namin ang staffer ni Malapitan at kinolekta nila ang P2,600 sa bawat isa sa aminâ€, sabi pa ng mga nagrereklamo.
Ang naturang P2,600 ay bahagi ng perang nakuha ng mga nagrereklamo sa DSWD-Batasan at tanging P400 lamang ang napunta sa mga complainant.
- Latest