MANILA, Philippines - Bilang pagsuporta sa pagdiriwang ng Earth Day, nakiisa ang mga opisyal at miyembro ng Bataan police provincial office ng Manila-based Alpha Fire Brigade and Brotherhood Association sa clean-up drive sa Mariveles, Bataan noong Sabado.
Pangunahing isinagawa sa clean-up drive ang tree-planting activity na pinangunahan ng La Filipina Uygongco Corp. sa pakikipagtulungan ni Mariveles municipal maÂyor Dr. Jesse Concepcion.
Umaabot sa 400 saplings ng coconut trees ang itinanim sa coastline ng Barangay Townsite, sa Mariveles.
Ayon kay La Filipina Real Estate Company general manager Susan Romero, mahalaga ang cleanup drive upang maibalik ang malinis na kalikasan para sa kinabukasan ng lahat.
Bukod sa police at fire volunteers, nakiisa din sa nasabing proyekto ang miyembro ng Recycling 129, na nakabase sa Tondo.