2nd suspect sa Boston bombing nahuli na
MANILA, Philippines - Naaresto na ang ikalawang suspek sa pambobomba sa Boston Marathon matapos masukol sa umaatikabong habulan noong Biyernes.
Kinumpirma kahapon ng Massachusetts State Police ang pagkakaaresto sa papatakas na si Dzhokhar Tsarnaev, 19, college student.
Natagpuan ng pulisya si Dzhokhar na sugatan matapos madiskubre ng isang residente ng Watertown ang patak ng mga dugo sa isang bangka na nakadaong malapit sa tirahan nito. Nang usisain ang loob ng bangka ay tumambad sa kanya ang duguang suspek.
Agad na nagresponde ang SWAT team nang ireport sa pulisya ang pagkakatagpo sa ikalawang suspek hanggang sa muling magkabarilan nang hindi tumugon ang huli sa negosasyon ng pulisya.
Naghagis pa ang mga pulis ng “flash-bang†grenades sa bangka na naging daan upang makorner ang suspek.
Sinabi ng pulisya na nasa kritikal na kondisyon sa ospital si Dzhokbar dahil sa tama ng bala sa katawan.
Nagtangkang pumuslit ang nakababatang Tsarnaev patungong Chechen nang mapatay ng SWAT team ang kanyang nakatatandang kapatid na si Tamerlan (Tsarnaev), 26, sa Boston hospital sa halos magdamag na habulan at engkuwentro matapos na mangholdap ng isang 7-Eleven store at mang-carjack ng isang Mercedez Benz sa Watertown.
Isang police officer ng Massachusetts Institue of technology (MIT) na nagresponde ang napatay ng magkapatid habang isa pang pulis ang sugatan.
Kapwa lumaki sa US ang magkapatid na tubong Chechen, Russia at nanirahan malapit sa Boston.
Sa pagkakadakip sa ikalawang suspek ay binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Boston ang mass transit na isiÂnara kamakalawa upang bigyang daan ang malawakang manhunt sa mag-utol na Tsarnaev para sa seguridad at kaligtasan ng may isang milyong mamamayan sa lugar na pinayuhang huwag ding lumabas sa kani-kanilang tahanan.
Ang mga suspek ay nakagawa umano ng arsenal ng pipe bombs, grenades at improvised explosive devices at gumamit ng malalakas na baril bilang mga armas sa kanilang tangkang pagtakas at pakikipaglaban sa Boston Police.
Sinabi ng Federal Bureau of Investigation (FBI), nakita si Dzhokhar habang inilalapag nito ang isang bag sa isang lugar kung saan naganap ang ikalawang pagsabog sa finish line ng marathon na ikinasawi ng tatlo katao at may 170 pa ang sugatan kabilang ang ilang runners.
- Latest