MANILA, Philippines - Dapat umanong may pharmacist ang bawat boÂtika.
Ito ang paalala ni PhiÂlippine Pharmacists Association (PPHA) Executive Director Yolanda Robles sa publiko kung saan sinabi nito na kailangang may pharmacist ang bawat botika, maliit man o malaki.
Ayon kay Robles, kaÂramihan anya sa mga botika ngayon ay may sertipikasyon ng isang pharmacist, pero kadalasang wala naman ito sa botika para magpayo sa mga bumibili o may sakit.
Labag anya ito sa batas dahil requirement ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagkakaroon ng pharmacist sa mga botika.
Bukod dito, sinabi ni Robles na delikado rin ang botikang walang pharmacist dahil naibebenta lamang ang gamot na parang kendi.
Inihalimbawa ni Robles ang mga antibiotic na nabibili na ngayon over the counter o kahit walang reseta at tingi-tingi depende sa kagustuhan ng bumibili, kahit na pitong araw ito dapat iniinom.
Gayunman, nilinaw naman ni Robles na ang napabalitang 70% ng mga botika na walang pharmacist ay base lamang sa isang lugar kung kaya’t may proyekto ngayon ang PPHA para suyurin ang buong bansa at alamin ang mga botikang walang pharmacist.
Hinimok din nito ang FDA na paigtingin ang monitoring sa mga botika. Nabanggit naman ni Robles na tulad ng mga nurse, kakaunti na rin ang pharmacists sa bansa dahil sa kaliitan ng sweldo.