^

Bansa

Dos Palmas kidnapping 20 habambuhay vs Abu Sayyaf pinagtibay ng CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng lower court laban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa pagdukot sa ilang foreign nationals sa Dos Palmas Resort sa Palawan noong 2001.

Sa desisyong inilabas ng appellate court, pinagtibay nito ang ruling ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 69 na nagtatakda nang 20 counts of reclusion perpetua sa mga akusado para sa kasong kidnapping and serious illegal detention with ransom.

Pinagtibay din ng hukuman ang pagpapataw ng “payment of damages” sa mga biktima na umaabot ng P5.2 milyon.

Kabilang sa mga akusado sina Bar Ismael, Bashier Ordonez, Sonny Asali, Margani Iblong Hapilon, Radzmar Sangkula, Kamar Ilias Ismael Jaafar, Guillermo Salcedo, Haber Akimuddin Asari at Tuting Hannoh.

Maaalala na noong May 27, 2001, dinukot ng mga bandido ang may 20 katao sa Dos Palmas resort, kabilang ang mag-asawang US national na sina Martin at Gracia Burnham at negosyanteng si Reghis Romero.

Ang grupo ay pinamunuan ni ASG leaders Abu Ahmad Salayuddin alias Abu Sabaya at Khadaffy Janjalani.

ABU AHMAD SALAYUDDIN

ABU SABAYA

ABU SAYYAF GROUP

BAR ISMAEL

BASHIER ORDONEZ

COURT OF APPEALS

DOS PALMAS

DOS PALMAS RESORT

GRACIA BURNHAM

GUILLERMO SALCEDO

HABER AKIMUDDIN ASARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with