^

Bansa

Serbisyo ng Muntinlupa LGU swak kahit Sabado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas pinaigting pa ng pamahalaan lungsod ng Muntinlupa ang kanilang Serbisyong Bayan para matulungan ang maralitang taga-lungsod.

“Sa hirap ng buhay ngayon, hindi lahat ng ating mga kababayan sa Muntinlupa ay kayang magkaroon ng serbisyong kailangan nila para sa kanilang pamumuhay,” ani Mayor Aldrin San Pedro.

“Kaya ang pangangailangang ito ng ating maralitang kababayan ay tinutugunan ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Serbisyong Bayan,” dagdag pa ng alkalde.

Ang Serbisyong Bayan ay isinasagawa tuwing Sabado sa iba’t-ibang lugar sa Muntinlupa at katuwang ni Mayor San Pedro sa nasabing programa ang lahat ng tanggapan ng pamahalaang lungsod.

Kabilang sa programa ang pamimigay ng libreng bigas, libreng tubig, gupit, masahe, feeding program, facial care, manicure at pedicure at libreng ID para sa mga senior citizens.

Bukod pa diyan, meron ding libreng gamot, serbisyong medical, bunot ng ngipin, libreng ASP card para sa hospitalization subsidy sa Ospital ng Muntinlupa.

Bahagi rin ng Serbisyong Bayan ang pagsasagawa ng job fair, livelihood program, fogging, declogging, clean and green program at libreng bakuna kontra rabies para sa mga aso’t pusa at marami pang iba.

ANG SERBISYONG BAYAN

BAHAGI

BUKOD

KABILANG

KAYA

MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

MAYOR SAN PEDRO

MUNTINLUPA

SERBISYONG BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with