Obispo kay Chiz: Magulang ni Heart irespeto

MANILA, Philippines - Nanindigan ang Simbahang Katoliko na sa mga usapin ng pag-ibig na tinututulan ng mga magulang ay dapat pa rin ibigay ang respeto sa mga magulang sa halip na magmatigas ay amuin umano ang mga ito.

Sinabi ni dating CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na ang sitwasyon nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ay hindi naiiba sa pinagdadaanan ng ibang ordinaryong tao. Aminado ang arsobispo na wala syang karapatan na maghimasok sa relasyon ng dalawa ngunit naniniwala itong kaya sanang maresolba ng maayos ang isyu kung marunong magpakumbaba ang senador.

Sa nasabing sitwasyon umano ay si Escudero ang dapat na mamagitan kay Heart at sa pamilya nito. Kung kinakailangan umano ay puntahan ng personal ng senador ang mga magulang para igiit na maganda ang intensyon nito sa kanilang anak at dapat ginawa na nya ngunit nakapagtatakang umiiwas umano ito sa isyu sa halip na harapin ito

“May kasabihan nga tayo kahit harangan pa ng sibat ay hindi maaring pigilan ang tunay na pag-ibig. Hindi pananahimik ang dapat na pairalin sa ganitong sitwasyon kundi harapin bilang isang lalaki,” ani Cruz.    

Samantala, hinamon ng pamilya ni Heart si Escudero na sagutin ang mga isyung ipinupukol dito partikular na sa kanyang tunay na pag-uugali na itinatago nito sa mata ng publiko at hindi ikatwiran na ayaw nitong patulan ang mga magulang ng aktres kaya hindi sinasagot ang mga isyu. 

Ayon kay Rey Ongpauco, ama ni Heart, ang hindi pagsagot ni Escudero sa mga isiniwalat nilang tunay na karakter ng senador na lasenggo, arogante ito at minamanipula ang kanilang anak para maging suwail sa mga magulang ay dahil pawang katotohanan ito at hindi kayang maitanggi.

Show comments