MANILA, Philippines - Umarangkada sa ika-6 na puwesto ang kandidatura sa Senado ni Puerto Princesa City mayor at independent candidate, Edward Hagedorn sa daÂlawang magkasunod na ‘mock polls’ ng “Movement for Good Governance†noong Martes.
Ayon kay MGG chairperson at UP Economics Prof. Solita Monsod, pinili ng mga dumalo ang mga pumasok sa ‘Top 12’ ng mga karapat-dapat maluklok sa Senado batay sa tatlong batayan: “effectiveness,†“empowerment†at “ethical leadership.â€
Ang ‘scorecard’ na ginamit sa botohan ay batay din sa pamantayan ng World Bank, United Nations at Gawad Galing Pook award sa konsultasyon naman sa Personnel Management Association of the Philippines (PMAP).
Labis namang ikinatuwa ni Hagedorn ang resulta ng botohan, na aniya ay higit na may kredibilidad sa mga resulta ng iba’t-ibang survey.
Pinatunayan anya ng MGG mock polls na kinikilala ng taumbayan ang kanyang mga nagawa at kontribusyon sa pagyabong ng ating turismo, proteksyon sa kapaligiran at pag-unlad ng Puerto Princesa City.