^

Bansa

Hagedorn 6th place sa Senate race

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umarangkada sa ika-6 na puwesto ang kandidatura sa Senado ni Puerto Princesa City mayor at independent candidate, Edward Hagedorn sa da­lawang magkasunod na ‘mock polls’ ng “Movement for Good Governance” noong Martes.

Ayon kay MGG chairperson at UP Economics Prof. Solita Monsod, pinili ng mga dumalo ang mga pumasok sa ‘Top 12’ ng mga karapat-dapat maluklok sa Senado batay sa tatlong batayan: “effectiveness,” “empowerment” at “ethical leadership.”

Ang ‘scorecard’ na ginamit sa botohan ay batay din sa pamantayan ng World Bank, United Nations at Gawad Galing Pook award sa konsultasyon naman sa Personnel Management Association of the Philippines (PMAP).

Labis namang ikinatuwa ni Hagedorn ang resulta ng botohan, na aniya ay higit na may kredibilidad sa mga resulta ng iba’t-ibang survey.

Pinatunayan anya ng MGG mock polls na kinikilala ng taumbayan ang kanyang mga nagawa at kontribusyon sa pagyabong ng ating turismo, proteksyon sa kapaligiran at pag-unlad ng Puerto Princesa City.

 

vuukle comment

ECONOMICS PROF

EDWARD HAGEDORN

GAWAD GALING POOK

GOOD GOVERNANCE

PERSONNEL MANAGEMENT ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PUERTO PRINCESA CITY

SENADO

SOLITA MONSOD

UNITED NATIONS

WORLD BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with