^

Bansa

Texas explosion, higit 200 sugatan

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang naganap na twin bombing sa Boston Marathon sa Massachusetts, isang malawakang pagsabog ang naganap sa isang fertilizer plant sa Waco, Texas, USA na sinasabing 60-70 katao ang posibleng nasawi habang mahigit 200 iba pa ang sugatan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagmistulang war zone ang West Fertilizer plant sa Waco nang biglang umalingawngaw ang matinding pagsabog bago mag-alas-8 ng gabi kamakalawa (oras sa Texas).

Nadamay ang halos 50-75 gusali, kabahayan at apartment complex sa lugar na ikinasawi at ikinasugat ng daan-daang mga manggagawa ng planta at residente sa lugar na dinala sa iba’t ibang pagamutan.

Minomonitor na ng Embahada ng Pilipinas sa Washington at Phl Consulate General sa Los Angeles kung may Pinoy na nadamay sa insidente.

Sinabi ni Hernandez na naka-concentrate ang Pinoy population sa Houston at Dallas at may kabuuang 160,000 Pinoy ang nasa Texas. 

Nagpadala na ang US Chemical Safety Board ng kanilang investigation team upang siyasatin kung ito ay sinadya mula sa terrorist group o bu­nga lamang ng aksidente at kapabayaan.

 

vuukle comment

AYON

BOSTON MARATHON

CHEMICAL SAFETY BOARD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

LOS ANGELES

PHL CONSULATE GENERAL

PINOY

WACO

WEST FERTILIZER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with