MANILA, Philippines - Sa okasyon ng kanyang ika-76 kaarawan ngayon (April 19), nagbiÂgay si dating Pangulong Joseph Estrada ng kasiguruhan na isasaayos niya ang Maynila at soÂsolusyunan ang kahirapan, kagutuman, kurapÂsyon at kriminalidad.
“Bilang mayor, ibabalik ko ang liwanag, ganda, kaunlaran at katiwasayan sa Maynila,†wika ni Estrada.
Si Estrada ay suportado ng 29 sa 37 konsehal ng iba’t-ibang distrito sa Maynila, kung saan ay hiniling niya ang landslide victory para sa kanyang tiket at 12 senatorial candidates ng United Nationalist Alliance (UNA).
Isa ang anak ni Erap na si JV Ejercito Estrada, three-termer mayor at kongresista ng San Juan, sa mga senatorial stalwarts ng UNA.
Tinuran ni Erap sa pagÂliligtas sa Maynila sa “kuko ng dilim†ay halaw sa pamosong pelikula na idinirehe ng nasirang Lino Brocka noong 1975, ang “Maynila sa Kuko ng Liwanag.â€
Sa kanyang nakaraang proclamation rally sa Liwasang Bonifacio, sinabi ni Estrada na “kapag naalis na ang ‘Dirty’ sa Maynila†ay babalik na ang kagandahan at kalinisan ng Maynila “na nakilala ko noong bata pa ako at city engineer ng Maynila ang aking ama.â€
Ang tinutukoy ni Estrada ay ang amang si Engineer Emilio Ejercito na nagsilbi sa ilalim ng apat na mayor ng Maynila na sina Mayors Fugoso, dela Fuente, Lacson at Villegas.
Ani Erap, kailangang magkaroon ng kapaÂyapaan at kaayusan sa Maynila upang pumasok ang mga negosyante, makalikha ng mga patrabaho at sumigla ang kalakalan, na nagawa niya sa San Juan bilang mayor nito sa loob ng maraming taon.
Matindi ang suporta ng Chinese community kay Estrada dahil bilang Bise Presidente ay pinaÂngunahan niya ang Presidential Anti-Crime Commission na nakaresolba ng maraming kidnap-for-ransom cases na bumiktima sa mga Tsinoy.
Sa administrasyon rin ni Estrada bilang Presidente nakatikim ng pinakamataas na +56 trust rating ang kapulisan, na ayon kay Estrada ay ibabalik niya sa Maynila.