MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Quezon City Rep. Bolet Banal ang kanyang mga kritiko o kalaban na kasuhan siya sa Commission on Elections para maimbestigahan kung merong basihan ang mga akusasyon sa kanya.
Sentro ngayon ng atake ang programa ni Banal na continuing education and wellness dahil patuloy umanong nililinlang ng kanyang mga kalaban ang mamamayan hinggil sa totoong layunin ng Kaya Natin’s distribution ng “Estudyante†at medicine vouchers sa ikatlong distrito ng Quezon City.
Ginawa ni Banal ang hamon bilang reaksyon sa naglabasang ulat na merong nagsampa sa Comelec ng reklamo laban sa kanya.
“Konsehal pa lang ako, pinatutupad ko na yung programang pang-edukasyon. Sana naman, huwag na nilang siraan ang mga programang hindi nila nagawa o di nila kayang pantayan. Taong bayan naman ang nakikinabang, lalo na ang mga mag-aaral ng ikatlong distrito,†dagdag ni Banal.
Nauna rito, inamin ni United Nationalist Alliance Rep. Toby Tiangco sa isang panayam ng Unang Hirit ng GMA-7 na hindi sangkot si Banal sa anumang vote-buying scheme.
“In fairness naman kay Cong. Bolet, matagal na pala niyang proyekto ang pagbibigay ng school supplies. At ang mga vouchers ay ipinamigay bago pa magsimula ang panahon ng kampanya, kaya hindi siya namimili ng boto,†sabi pa ni Tiangco.