Dahil sa kinakaharap na graft case: Padaca at Binay nagtungo sa Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Personal na nagtungo ng Sandiganbayan sina Comelec Commissioner Grace Padaca at dating Makati Mayor Elenita Binay para ipresenta ang kanilang sarili sa graft court kaugnay ng kanilang kaso bilang bahagi ng kondisyon ng travel authority na naibigay sa kanila.

Sa kundisyon ng Sandiganbayan, kailangang humarap sa graft court ang isang akusado limang araw matapos na makabalik sa bansa, makaraang ma­bigyan ng pagkakataon na makapangibang bansa.

Si Padaca ay nagmula sa kanyang biyahe sa Abu Dhabi mula April 2 hanggang April 7, 2013 habang si Mrs. Binay ay nagpunta sa Paris France mula April 7 hanggang April 13.

Si Padaca at may kasong graft at malversation of funds dahil ipinagkatiwala nito sa isang NGO ang Economic Development for Western Isabela at Northern Luzon Foundation Incorporated  ang P25 milyon na hindi dumaan sa public bidding.

Si Mrs. Binay naman ay may kasong graft sa Sandiganbayan  kaugnay ng kuwestyonableng  pagbili ng mga kasangkapan na may halagang P72 milyon noong ito pa ang Mayor ng Makati City.

Show comments