MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng North Korea ang kahiliÂngan ng South Korea na magkaroon ng dayalogo o mapayapang pag-uusap para sa magandang hinaharap ng Kaesong joint industrial complex na pinatatakbo ng nasabing dalawang bansa na ipinasara ng Nokor ng nakalipas na linggo kasunod ng matinÂding tensyon.
Ang alok na dalhin sa “dialogue table†ang usapin sa Kaesong complex ay tinawag ng Nokor na “empty political gesture†at “meaningless†o walang saysay na hakbang ng Sokor.
Ang mapayapang pag-uusap na alok ng Sokor ay kasunod sa suspensyon ng operasyon ng Kaesong complex kung saan naapektuhan ang may 5,300 Nokor at 600 Sokor employees bunsod na rin sa “state of war†na idineklara ng Nokor laban sa Sokor.
Bunsod nito, inaasahang itutuloy ng Nokor ang pagpapakawala ng missile sa kabila ng babala at panawagan ng US, United Nations, Japan at international community na huwag ituloy ang missile attack.
Ipinalalagay na magÂlulunsad ng missile ang Nokor laban sa Sokor ng hanggang Abril 15, gaya ng una nilang banta na magpapakawala ng untested missile na may kakayahang makaabot ng 4,000 kilometro na pinaÂngangambahang may trajectory o target patuÂngong Sokor, Japan at US military bases sa Guam.