MANILA, Philippines - Marami nang panuÂkalang-batas at pandaigdigang tratado ang ipinaglaban ni reelectionist Senador Loren Legarda sa Senado para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker at seafarer.
Bilang tagapangulo ng Senate foreign relations committee, masugid na ipinagtanggol ni Legarda sa Senate floor ang iba’t-ibang tratado.
Kabilang dito ang 19 na tratado na ipinasa ng Kongreso at nangangalaga sa mga overseas Filipino tulad ng sa ILO Convention 189 on Decent Work for Domestic Workers, Maritime Labour Convention (MLC) for the protection of the rights of seafarers; at Convention on Social Security between the Philippines and Spain.
Sa kabila nito, sinabi ni Legarda na patuloy niyang itataguyod ang mga kapaÂkanan at karapatan ng mga OFW at seafarer bilang pangunahin niyang adÂyenda sa Senado bagaman ipinapaalala niya na meron na silang proteksyon sa ilalim ng mga batas at tratadong ipinasa ng Kongreso.
Idinagdag ni Legarda na, kung mahahalal muli, ihahain muli niya sa susunod na sesyon ng Senado ang panukalang mag-i-‘institutionalize’ sa welfare program ng OFWs at ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng bagong charter para sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
“Patuloy kong ipagÂlalaban ang karapatan ng ating mga OFWs sa loob at labas ng Senado,†pagtitiyak ni Legarda. “Sa katunayan may mga batas at international treaty na akong itinulak para sa kapakanan nilang naghahanapbunay sa ibang bansa.â€
Sinabi pa ni Legarda na gumanda ang employment conditions ng mga domestic workers sa Pilipinas at sa buong mundo dahil sa ILO Convention 189.
Sa ILO convention, mapapakinabangan ng 3.4 mlyong kasambahay sa loob at labas ng Pilipinas ang mga saligang karapatan tulad ng makatwirang oras ng trabaho, day off, malinaw na impormasyon sa kundisyon sa pamamasukan at kalayaan sa asosasyon.