MANILA, Philippines - Naharang ng mga tuhan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mahigit sa isang bilyong halaga ng smuggled Vietnam rice sa Port of Cebu.
Base sa report, ang naturang smuggled Vietnam rice ay nasa 600,000 sako at nakalagay sa 1,200 container vans.
Sinabi ni Biazon na ito ay mga kontrabando dahil walang lumulutang na consignee kung saan ang ginamit na pangalan ay fictitious. Nasabat ang mga bigas dahil sa intelligence report na natanggap ng mga tauhan ni Biazon at sa mahigpit na pagbabantay ng mga ito sa mga kargamentong pumapasok sa Port of Cebu.
Pinaiimbestigahan na ni Biazon kung sinong grupo ang nasa likod ng natuÂrang mga kargamento.
Noong Huwebes ay kinasuhan ng BoC ang isang negosyante ng anti-smuggling sa Department of Justice matapos umano itong magpuslit ng smuggled rice na nagkakahalaga ng P6 million na nagmula sa Taiwan na nasabat din sa Port of Cebu noong Pebrero 22, 2013.