MANILA, Philippines - Tiniyak ng Korte Suprema ang seguridad ng pamilya Burgos partikular ni Gng. Editha Burgos, ina ng nawawalang aktibista na si Jonas Burgos bunsod na rin ng panibagong ebidensiya sa kaso.
Kahapon ay nagpalabas ng temporary protection order (TPO) ang SC kasabay ng nadiskubreng mga ebidensya na may kinalaman sa pagkawala ni Jonas.
Inaatasan ng SC ang DoJ at NBI na bigyan ng seguridad si Gng. Burgos at ang buong pamilya nito batay na rin sa itinatakda sa ilalim ng rule on writ of amparo.
Pinagsusumite rin ng SC ang DoJ at NBI ng confidential memorandum kaugnay sa security arrangement na ipinagkaloob sa pamilya Burgos sa loob ng limang araw.
Pinagkokomento naman ng Korte ang AFP at ang ilan nitong mga dati at kasalukuyang opisyal kaugnay ng inihaing mosyon ni Mrs. Burgos.