Congressional bet pinagpapaliwanag sa ‘pork’ ng amang solon

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng Bulacan Laban sa Katiwalian (BuLaKan) kay 2nd district congressional aspirant Gavin Pancho na ipaliwanag kung saan napunta ang P185.5 mil­ yon mula sa kabuuang P210 milyon na Priority Development and Assistance Fund (PDAF) ng kaniyang ama na si da­ting Congressman Pedro Pancho.

Si Gavini ay nagsilbing chief of staff ng kaniyang ama sa Kongreso at isa sa mga pangunahing trabaho nito ay ang pag­lalaan at pagsasaayos ng mga proyekto para sa samba­yanan ng ikalawang distrito na popondohan ng PDAF ng kaniyang ama.

Ngunit ayon sa BuLaKan, may mga datos silang nakuha na uma­bot lamang sa P24.5 mil­yon ang kabuuang nagastos mula sa PDAF ng ama ni Gavin sa loob ng dalawang termino nito.

Kabilang sa mga pi­nagkagastusan ay isang maliit na kwarto sa Central School sa Bocaue at dalawang maikling kal­­­sada sa Balagtas na pi­na­gawa noon lamang hu­­ling termino ng dating congressman.

Nabatid din na may mga tarpolina at karatula ang ilang mga proyekto sa mga bayang ito na nagsasabing si dating Congresman Pancho ang nakapagpagawa ng mga ito.

Subalit may nakalap din umano silang impormasyon na ang pondong ginastos sa mga proyekto ay pera ng DPWH at hindi mula sa PDAF ng da­ting kon­gresista.

 

Show comments