^

Bansa

Prosec inireklamo ng PNP sa DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inireklamo ng Phi­lippine National Police (PNP) Safety Batallion ng Region 4-A sa Department of Justice (DOJ) si City Prosecutor Crisostomo Dario Jr. ng Trece Martirez City, Cavite.

Sa 5-pahinang administrative complaint, si Dario ay inaakusahan ng PNP Regional Safety Battalion 4-A na kinakatawan ni Inspector Stefanio Andrenicus Abaca Rabino ng ‘oppression, misconduct, refusal to perform official duty, inefficiency and incomptence in the performance of official duties’.

Nag-ugat ang reklamo nang magpalabas ang nasabing piskal ng release order kaugnay ng mga naarestong armadong lalaki na naka-engkwentro ng mga pulis sa Trece Martirez.

Sa kanyang kautusan matapos ang isinagawang inquest proceedings, tinukoy ni Dario na walang probable cause para sampahan ng kaso sa korte ang mga suspect.

Ang engkwentro ay naganap noong Abril 6, 2013 nang tangkain ng pinagsanib na pwersa ng PNP Regional Safety Batallion Cavite, Calabarzon Police at SWAT team na isilbi ang search warrant sa bahay ng isang Raymond Eguillos sa Brgy Cabuco, sa Trece Martirez.

Nagresulta naman ang engkwentro sa pagkasu­gat ng ilang tauhan ng PNP at pagkaaresto ng anim na suspek at pagkakumpiska ng mga gamit nilang baril at bala.

Sa reklamo ng mga pulis, nagtataka sila kung bakit sa kabila ng mga ebidensya na kanilang iniharap ay ibinasura pa rin ng piskalya ang reklamo.

BRGY CABUCO

CALABARZON POLICE

CITY PROSECUTOR CRISOSTOMO DARIO JR.

DARIO

DEPARTMENT OF JUSTICE

INSPECTOR STEFANIO ANDRENICUS ABACA RABINO

NATIONAL POLICE

RAYMOND EGUILLOS

TRECE MARTIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with