MANILA, Philippines - Muling binuhay sa Kamara ang panukalang national ID system kapalit ng cedula.
Sinabi ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong, dapat ibasura na ang cedula dahil isa itong tagapag-paalala ng pananakop o “stigma of colonization.â€
Layunin ng ID system na mawala ang red tape sa gobyerno at gawing simple ang proseso sa mga usapin ukol sa public and private services.
Sa ilalim ng panukala, ang bawat Pilipino, nasa abroad man o nasa Pilipinas ay kailangang magkaroon ng isang non-transferrable Filipino I.D. Card na magiging balido sa loob ng 10 taon at maaaring i-renew tulad ng pasaporte.
Ipagkakaloob ito ng libre bilang bahagi na rin ng social service responsibility ng pamahalaan. Sa mga susunod na pagkuha o pagre-renew ng ID ay magbabayad na ang publiko.
Nakalagay din dito ang pagkakakilanlan, status, kapanganakan at iba pang personal na impormasyon ng isang indibidwal.