April 30 deadline ng SALN
MANILA, Philippines - Sa April 30 na ang deadline ng paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
Babala ni Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque III, na ang mga mabibigong magkapaghain ng SALN ay maaaring masuspinde ng isang buwan at isang araw sa unang paglabag at dismissal sa ikalawang paglabag.
Sakaling hindi makumpleto ng mga empleyado at opisyal ang datos sa kanilang SALN ay dapat itong kumpletuhin sa loob ng 30 araw.
Layon ng SALN na ma-lifestyle check ang mga manggagawa at pinuno sa pamahalaan, maging ang income at pag-aari ng kanilang pamilya.
Mababatid din umano sa SALN kung may kwestiyonableng assets at salapi ang isang public servant at kapag napatunayan ay papanagutin ito sa ilalim ng batas.
Noong Enero, inilunsad ng CSC ang mas simple at mas user-friendly na SALN Form, na binuo umano matapos ang makasaysayang impeachment trial laban sa napatalsik na si Chief Justice Renato Corona.
- Latest