MANILA, Philippines - Nilinis ng United Nationalist Alliance (UNA) ang pangalan ni Liberal Party (LP) stalwart at Quezon City 3rd District Cong. Jorge “Bolet†Banal at inihayag na wala itong kinalaman sa malawakang vote-buying na ibinibintang sa Team PNoy.
Sa isang TV interview, inamin ni UNA secretary-general at campaign manager Navotas Congressman Toby Tiangco na lumapit sa kanya si Maite Defensor, ang anak ni Mat Defensor at kalaban ni Banal, at ipinakita sa kanya ang mga vouchers na ipinamamahagi sa iba’t ibang barangay sa ikatlong distrito ng QC bilang umano’y patunay na may nagaganap na malawakang vote-buying.
Sinabi naman ni Jess Lorenzo ng Kaya Natin! Movement na hindi totoo ang alegasyon ng nationwide vote-buying dahil ang pamamahagi ng vouchers ay isinagawa lamang sa distrito ni Banal, bilang bahagi ngkanyang patuloy na educational at wellness programs.
Inamin rin ni Tiangco na matagal na talaga ang proyektong pamamahagi ng school supplies ni Banal, na nagsimula bago pa man ang local campaign period kaya’t wala aniyang vote-buying sa panig nito.
Sa panig naman ni Banal, sinabi nito na labis siyang nagpapasalamat sa ginawa ni Tiangco na kaagad din aniyang tumawag sa kanya matapos ang media interview dito.
Una nang sinabi ng mambabatas na ang pamimigay ng “estudyante vouchers†ay bahagi ng kanyang PagBasa program, na sinimulan niya noong konsehal pa lamang siya ng taong 2005.