MANILA, Philippines - Mahigit isang linggo matapos maialis ang USS Guardian, isa namang barkong pangisda ng China ang nabalahura sa Tubbataha Reefs.
Nabatid kay Col. EdÂgard Arevalo, Philippine Navy spokesman na bandang alas-11:45 ng gabi nitong Lunes ng sumadsad ang fishing vessel ng China sa North Islet, Tubbataha Reef.
Ang barko na may hull number 63168 ay may sakay na 12 tripulante.
Inatasan na ni PaÂngulong Aquino ang Park rangers na magsagawa ng imbestigasyon sa ulat na nakapasok sa territorial waters ng Pilipinas ang Chinese fishing boat.
Magugunita na naiahon pa lamang ang USS Guardian kamakailan matapos itong sumadsad sa Tubbataha reef may 3 buwan na ang nakakaraan.
Sa tala ng Tubbataha Management Office, aabot sa halos 4,000 square meters ang naging pinsala ng USS Guardian o kabuuang $1.4 milyon o katumbas na P58 milyon na kailangang bayaran ng US Navy sa pamahalaan.
Kasalukuyan ng nagsasagawa ng assessment ang TMO sa laki ng pinsala ng sumadsad na Chinese fishing vessel sa lugar.