MANILA, Philippines - Mas mahigpit na pagbabantay sa Tubbataha Reef ang iginiit ni Team PNoy senatorial bet Jamby Madrigal dahil sa dumadalas na incursion o ilegal na pagpasok ng mga dayuhang barko na nagdudulot ng matinding pinsala sa tinaguriang Unesco World Heritage site.
Sinabi ni Madrigal na halos katatapos lang maalis ang USS Guardian sa Tubbataha, ngunit mayroon namang Chinese fishing vessel ang sumadsad rin malapit sa Ranger Station ng naturang reef.
Ani Madrigal, pangunahing may akda ng Tubbataha Reefs Natural Park Act of 2009, dapat umanong paigtingin ang pagbabantay, magsampa ng kaso at patawan ng mabigat na parusa ang mga ilegal na pumapasok at nakakasira sa Tubbataha.
“Dapat pag-ibayuhin ang pangangalaga sa Tubbataha Reef dahil ito’y likas yaman ‘di lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo,†diin niya.
Una rito, minaliit ni Madrigal ang US$1.4 million penalty na sisingilin ng Pilipinas sa US government bunga ng pagkasira ng 2,345 square meters na bahagi ng Tubbataha. Aniya, hindi sapat ang salapi dahil hindi agarang maibabalik ang namatay na corals.