MANILA, Philippines - Bunsod ng matinding init ng panahon, sa loob lamang ng linggong ito ay umaabot na sa 12-pasÂyente ang isinugod sa Quirino Memorial Medical Center dahil sa heat stroke.
Ayon kay Dr. Jojo Mercado, spokesman ng QMMC, nasa kritikal na kalagayan ngaÂyon ang ilan sa mga dinalang pasyente doon dahil ang iba ay kinakitaan ng pagputok ng ugat sa utak, pagbabara ng ugat dahil sa cholesterol at ang ilan ay may matataas na blood pressure.
Nabatid kay Philippine Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) president Dr. Rustico Jimenez na lima hanggang 10 kaso nito kada araw ang naitatala.
Bunsod nito, patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na palagiang uminom ng tubig upang maiwasan ang epekto ng init ng paÂnahon, magsuot ng mapepreskong damit at huwag magtatagal sa labas ng bahay dahil sa tindi ng sikat ng araw.
Sinabi ni Mercado na kung wala rin lamang importanteng gagawin sa labas ay mas makabubuÂting mamalagi na lamang ang mga ito sa loob ng bahay para makaiwas sa heat stroke.
Ilan sa sintomas ng heat stroke ang pagkahilo, makating balat, mataas na temperatura at pagkawala ng malay. Posibleng ikamatay ito sa loob ng ilang oras.