^

Bansa

Flood Control and River Protection, inilunsad ng LLDA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang paglulunsad ng Flood Control and River Protection Convergence Project ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa Sta. Cruz, Laguna kamakailan.

Ang proyekto ay alinsunod na rin sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan LLDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Flood Management sa Metro Manila at sa Laguna Lake Region.

Sinabi ni LLDA General Manager Sec. Nereus O. Acosta, na ang proyekto ay tutustusan ng P780 milyong budget para sa konstruksiyon at rehabilitasyon ng river control structures sa iba’t ibang ilog na dumadaloy sa Laguna Lake tulad ng Mabitac, Sta. Maria, Sta. Cruz, Biñan, at San Pedro Rivers sa Laguna, bilang tugon ng pamahalaan para maiwasan ang kahalintulad na pinsala na sanhi ng mga pagbaha na dulot ng ilang malalakas na bagyo at pag-ulan.

Ayon kay Acosta, ang pondo ay bahagi ng P5 bil­yong na inaprubahan ng National Economic Development Administration (NEDA) Board, na pinamumunuan ni Pangulong Aquino.

Ang naturang halaga ay inilaan para sa Metro Manila Flood Management Master Plan na nag-establisa ng road map at nagbigay ng bisyon para sa sustainable at epektibong Flood Risk Management.

Idineklara rin ni Acosta, na siya ring Presidential Adviser for Environmental Protection, na ang LLDA ay hindi lamang isang regulatory agency.

vuukle comment

ACOSTA

CRUZ

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ENVIRONMENTAL PROTECTION

FLOOD CONTROL AND RIVER PROTECTION CONVERGENCE PROJECT

FLOOD MANAGEMENT

FLOOD RISK MANAGEMENT

GENERAL MANAGER SEC

LAGUNA LAKE

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with