MANILA, Philippines - Mahigpit nang ipagbabawal ang pagkatay sa kalabaw at paggamit nito bilang pamalit sa karne ng baka.
Ito ay sa sandaling tuluyan nang maisabatas ang panukalang isinusulong ni Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza kung saan nakasaad dito na mas makakabuting palaguin ang carabao breeding sa bansa at patawan ng mabigat na parusa sa mga magkakatay nito.
Ang nasabing panukalang batas ay orihinal na isinulong ng yumaong Sorsogon Rep. Salvador Escudero III nitong 15th Congress na pumasa sa pinal na pagbasa sa Kamara at naghihintay na lamang nang pag-aprub ng Senado.
Sinabi ni Mendoza, ang muling pagbabawal sa walang habas na pagkatay ng kalabaw ay magpapalakas sa pagpapadami nito na ginagamit ng mga magsasaka sa kanilang pagbubungkal ng lupa.