MANILA, Philippines - Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mananatiling citizen’s arm ng SimbaÂhang Katoliko ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa May 13 elections.
Kasunod ito nang pagkalas ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) at ng Lipa Archdiocese sa PPCRV.
Ayon kay Monsignor Joselito Asis, secretary general ng CBCP, tuloy pa rin ang trabaho ng PPCRV sa mga diocese. Taliwas ito sa mga ispekulasyon na nawawala na ang suporta ng mga lider ng simbahan sa PPCRV dahil sa kwestiyon sa kredibilidad nito.
Naniniwala rin si Asis na epektibo ang pagbabantay ng PPCRV sa halalan. Sa kabila naman nito, aminado si Asis na nasa kamay pa rin naman ng mga lokal na obispo kung nais pa ng mga itong makipagtulungan sa PPCRV o mag-organisa ng sarili nilang poll watchdog team.