^

Bansa

PPCRV citizen’s arm pa rin ng Simbahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mananatiling citizen’s arm ng Simba­hang Katoliko ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa May 13 elections.

Kasunod ito nang pagkalas ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) at ng Lipa Archdiocese sa PPCRV.

Ayon kay Monsignor Joselito Asis, secretary general ng CBCP, tuloy pa rin ang trabaho ng PPCRV sa mga diocese. Taliwas ito sa mga ispekulasyon na nawawala na ang suporta ng mga lider ng simbahan sa PPCRV dahil sa kwestiyon sa kredibilidad nito.

Naniniwala rin si Asis na epektibo ang pagbabantay ng PPCRV sa halalan. Sa kabila naman nito, aminado si Asis na nasa kamay pa rin naman ng mga lokal na obispo kung nais pa ng mga itong makipagtulungan sa PPCRV o mag-organisa ng sarili nilang poll watchdog team.

ASIS

AYON

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

LIPA ARCHDIOCESE

MONSIGNOR JOSELITO ASIS

NATIONAL SECRETARIAT

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

SOCIAL ACTION JUSTICE AND PEACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with