MANILA, Philippines - Pinamamadali sa Kamara ang pag-apruba sa panukalang batas na naglalayong taasan ang burial assistance para sa mga beterano.
Ayon kay House Committee on Veterans Affairs and Welfare Chairman at Bataan Rep. Herminia Roman, dapat ng ipasa kaagad ng Senado ang House Bill 229 para maihabol na aprubahan ng Pangulo para mabigyang pagkilala at saysay ang kagitingan at katapangan ng mga Pilipinong beterano na nakipaglaban sa mga Hapon noong World War II.
Positibo ang kongresista na madadagdagan ang burial assistance sa mga beterano ng P20,000 mula sa dating P10,000. Paliwanag ni Roman, malaking tulong na ito sa mga pamilya ng mga beterano na mabigyan ng disenteng libing ang mga Filipino veteran sakaling maisabatas na ang panukala.
Hindi rin umano sapat ang kasalukuyang burial assistance na ibinibigay sa dependents at pamilya ng mga pumanaw na beterano.