Consul-General sinibak ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Sinibak ng tanggapan ng Ombudsman si Consul-General Ma. Lourdes Ramiro-Lopez dahil sa paggawa ng maling entries ng kanyang personal data sheets (PDS) para sa taong 1971 at 2005.
Sa 11-pahinang desisÂyon na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, nakasaad dito na si Lopez ay liable sa kasong administratibo dahil sa Dishonesty, Falsification of Official Document, Misconduct and Conduct Prejudicial to the Interest of the Service kayat tinanggal sa serbisyo.
Bunga nito kinansela rin ang kanyang civil service eligibility, walang makukuhang retirement benefits at hindi na maaaÂring mabigyan ng anumang pwesto sa gobyerno
Sa record, nalaman ng Ombudsman na dineklara ni Lopez sa kanyang 1971 at 2005 PDS na siya ay nagtapos ng bachelor’s degree in Broadcast Communication sa Maryknoll o UP gayung hindi naman pala matapos itanggi ng UP Diliman sa QC na wala sa kanilang record na nagtapos si Lopez sa kanilang pamantasan sa naturang kurso.
Lumabas din na inilagay ni Lopez sa kanyang 1971 PDS na siya ay single pero sa kanyang 200 PDS siya ay separated.
Si Lopez ay nagsimulang magtrabaho sa DFA bilang isang Foreign Service Staff Employee (FSEE) I sa Philippine Consulate sa New York City tapus naging Foreign Service Officer (FSO) IV, FSO III, FSO II, FSO I, Counsellor at Chief of Mission (CM) II, CM I, DFA Assistant Secretary at naging Philippine Consul-General sa Osaka, Japan.
- Latest